BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Miyerkules, Marso 9, 2011

Sino Nga Ba Siya -MV

"BASTA'T DRIVER SWEET LOVER"

Isang katgang akala ko ay hidi totoo.
      Isang gabi, sabado mga alas siyete niyaya ako ng mga kaibigan kong pumunta sa pnr at may naghahanap daw sa akin,ngunit kagagaling ko lamang sa aking kaibigan sa Bagong Sikat.ngunit kaagad-agad ako naligo hangngang sa ako ay nakatapos.Natanong ko sa sarili kung sino kaya ang lalaking naghahanap sa akin.hanggang sa dumating ang kaibigan ko sa boarding house upang ako ay sunduin,ngunit di niyaq sinasabi kung sino ang lalaking naghhahanap sa akin.
     Nang nakarating na kmi sa nasabing patutunguhan,bumungad sa akin ang mukha ng lalaking crush na crush ko.Ako ay nahiya sapagkat di ako handa na makaharap siya.At nahihiya sapagkat walang kamake-up-make-up ang akng mukha sa kamamadali.Ako ay pinaupo ng aking crush at ako ay kanyang tinabihan, hanggang sa nagkakwentuhan ng mga bagay-bagay.Nagulat ako sa kayang tanog na kung mahal ko raw siya,ngunit hindi ako naginungaling sa kung ano man ang aking tunya na nararamdaman sa kanya kung kaya ay sinabi ko na "oo", ngunit ang tanong na ito ang binaling ko sa kanya at kaaagad na sinagot niya n 'oo" ngunit isang sikreto lang para sa amin daw, sinabi k naman na "oo naman!" nakakahiya siyempre sa ating dalawa na malaman nila,
      Pagkatapos, nagulat ako sa ginawa niya, bigla niya akog hinalikan sa labi,hindi ako nakaimik sapagkat maraming nakakitang tao hindi lamang ang mga kasama ko.Di ko alam kung kami na nga ba ng mga gabing iyon dahil di ako sigurado kung totoo sinasabi nya o kaya ay marahil ay lasing lang siya kaya ay nasabi niya iyon.At natatakot din ako na mahalin siya sa hindi sa kadahilanang baka ako masaktan kundi sa isang sagradng pagkakaugnay niya sa kanyang asawa at anak.Natatkot din ako dahil ayoko nang balikan ang isa sa aking pagkakamai na makipagrelasyon sa isang asawa. Ngunit paano ko mapuputol ito kung alam ko sa sarili ko na mahalaga siya sa puso ko at siya ang laging hinahanap ko. Ang pangyayaring ito ay naganag nito lamang ika-26 ng Pebrero,2011